Tungkol sa Blog na Ito

Ang blog na ito ay pinatatakbo at pinagmamay-ari ng isang hindi sikat na residente ng Lungsod Quezon. Maaaring nakasabay mo na siya sa jeep o sa FX sa pagbyahe mo tuwing umaga papunta sa opisina o sa iskwela, o di kaya’y sa pag-uwi mo sa gabi. Sumasakay din siya ng bus at MRT paminsan-minsan. Pero di mo siya siguro napapansin dahil hindi nga siya sikat. Bukod pa riyan, mas malamang sa hindi ay hindi mo siya ituturing na “may hitsura” bagamat disente naman kung mag-ayos maliban sa relong hindi na niya dapat sana sinusuot magmula noong magtapos siya ng hayskul.

Madalas mo siyang makikitang nakikitusok ng piniritong bituka ng manok sa kariton ni Aling Cora na masungit mula Lunes hanggang Byernes, bandang alas-sais-dose hanggang alas-sais-trenta-y-syete ng gabi.

Kung wala namang magawa, lalo na sa mga araw na walang trabaho, siya’y nagsusulat para sa blog na ito. Kung may pera nama’y, mas malamang sa hindi ay nanonood siya ng sine, kadalasan diyan sa SM Fairview at paminsan-minsan nama’y diyan sa SM North. Pero, kadalasan ay nasa bahay lang siya… diyan sa kanyang bahay sa QC.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s