Tags

, , ,

Ang kumpare kong si Filimon
sa dagat tatlong taon
nangarap at nagsikap
makaipon.

Tumawag kanina lang
sabi’y ako’y daraanan
at kami’y may pupuntahan
kasama ang buong barkadahan.

Tatlong taon din kaming ‘di nagkita,
‘di nag-usap maliban sa minsanang pagkumusta.
Ano na kayang kanyang hitsura?
Nagbago kaya ang ugali niya?

Dito kami madalas dati
sa aking bahay sa Quezon City,
tagayan tuwing byernes ng gabi
at umaga na bago magsi-uwi.

Masayang alalahanin ang noon,
noong may buhok pa si Jojo sa bandang noo.
Ibang-iba na kami ngayon,
salat na kami halos sa panahon.

Magkikita nanaman kami
sana’y hindi pa ito huli,
aalis daw si Filimong muli
sa Lunes na darating.

Nagulat naman ako sa tunog ng timbre…
Ayan na si Filimon!